Wednesday, June 29, 2011

(untitled) Unang Pag-Ibig

Sa bawat araw na lumilipas
Alaala mo ay nagbibigay lakas
Hirap man at nagsusumamo
Hiling ay masilayan ka lamang..

Sa bawat oras na nagdadaan
Ikaw ay palaging nasa isipan
Hindi ko alam kung bakit o pano
Talagang tinamaan ata ako sayo..

Sa bawat tingin mo sakin
Wala akong magawa kundi'y damhin
Ikaw ang dahilan ng pagtibok nitong puso
Na sa bawat pagluha mo,
katumbas ay dugo..

Marami mang hadlang ang dumatng
At kahit ito'y kanilang pilitin
Ang pagmamahal mo ay walang tataLo
Dahil katumbas nito, ang pag-ibig ko..


http://www.facebook.com/note.php?note_id=150090578351324